“Aba’y akalain mo yun?” karaniwang ginagamit ng mga{ hayaan mong ii-numerate ko}: magsimula tayo sa bata, teenager, me kaidadan na ( mid-40’s ba), may edAd na tlaga (ung mga people na nagbibilang ng kanilang hininga bawat sigundo) at maging ung mga individual na ayaw maalala ang age nila. Lahat sila alam ito. Oo, paboritong linya ito ni Manang nyo. At kung Bakit? Aba’y bakit hindi?
Sa aking side naman, gamit bilang pang aliw ang pariralang ito. Segmento ng aking kabuuan. Naglalaman ito ng mga pinakabagong isyu, balita at kung anu ano pang kabaliwan na alam ni Manang nyo. Maaring maglalaman ito ng mga opinyong hindi pasok sa lalamunan at sikmura ng mga taga basa. Ang komento ko dun? Aba’y problema ko ba yun?
Mga artista, showbiz at maging ang international news and hotpicks eh makikita dito. Di mo na kailangang I google at I Wikipedia ung mga hinahanap mo.. punta ka lng sa silong ni Manang Tisay at SPLOK! Solve ka pare ko.
Pero bago paman tayo mawala sa katinuan ano? Sa ingles… (ahe ehhe hemmm…kumakati na nman lalamunan ko pag English ung pinag uusapan. ) Before anything else, I would like to greet you all a pleasant day. So, remember okay? This is my special service to all of you, a service that would hopefully last forever.
Aba’y Akalain mo yun? Naka pag English ako? Ng tuloy-tuloy?
Ito po ang inyong Manang Tisay nagsasabing “Laughter is the best Cure”.. Hanggang sa Muli.!
Comments
Post a Comment